Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
'Mga panaghoy sa apoy,' ngayong Huwebes sa 'Reporter's Notebook'
MGA PANAGHOY SA APOY
May 21, 2015

May 13, 2015, bandang alas onse ng umaga, naganap ang isa sa pinakamalala at pinakamapaminsilang sunog sa kasaysayan ng bansa. Naglagablab ang Kentex Manufacturing Corporation, isang pagawaan ng tsinelas sa Barangay Ugong sa Valenzuela City. Ang malungkot, umabot na sa pitumpu’t dalawa ang kumpirmadong patay sa malagim na trahedya. Dahil sa tindi ng pagkasunog, hindi na makilala ang karamihan sa mga nasawi kaya kinailangan silang isailalim sa DNA testing.
Sariwa pa sa alaala ng dalawang nakaligtas sa sunog na nakapanayam ng Reporter’s Notebook na sina Leo Alibangbang at Aljon Peron kung paano unti-unting nilamon ng apoy ang pagawaan at kung paano sumigaw ng saklolo ang kanilang mga kasamahan.

Sa naunang report ng Northern Police District, lumalabas na maaaring ang pagwewelding na ginagawa sa unang palapag ng factory ang sanhi ng sunog. May mga flammable chemical daw kasi malapit sa lugar kung saan may nagwewelding.
Sa inspeksyon na ginawa ng Department of Labor and Employment noong Setyembre 2014, lumalabas na nakapasa at sumusunod ang Kentex sa General Labor Standards at Occupational Safety and Health Standards. Pero sa imbestigasyong ginawa ng Center for Trade Union and Human Rights at Institute for Occupational Health and Safety Development, lumalabas na may mga paglabag ang Kentex katulad ng kawalan ng sapat na fire exit at mga bintanang may rehas sa pagawaan. Kaya ang tanong nila, paanong nabigyan ang kumpanya ng pahintulot na magpatuloy sa operasyon? At ano nga ba ang mga pag-iingat na ginagawa ng mga otoridad para siguruhing sumusunod sa mga patakarang pangkaligtasan ang bawat pagawaan sa bansa?
Huwag palalampasin ang “Mga Panaghoy sa Apoy” ngayong Huwebes, 4:45 ng hapon pagkatapos ng Healing Hearts.

Tags: plug
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular