Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pagnakaw at pagpatay sa mga pawikan sa Palawan, tatalakayin sa 'Reporter's Notebook'
NINAKAW SA KARAGATAN
Reporter’s Notebook Summer Special
May 7, 2015
Tahanan ang Palawan ng maraming uri ng hayop na tanging dito lang matatagpuan. Dahil na rin sa yamang taglay nito, tinagurian ang Palawan bilang “the last frontier.” Pero ang malungkot, nagpapatuloy naman ang pagnanakaw sa mga yaman ng karagatan na unti-unti nang nauubos at nawawala.
Sa isang storage unit ng Palawan Council for Sustainable Development o PCSD, natagpuan ng Reporter’s Notebook ang may dalawang daang patay na pawikan na ang edad ay umaabot sa walumpu hanggang isang daang taon. Nasabat ang mga ito sa mga poachers mula sa iba’t-ibang bansa gaya ng China at Vietnam. Kadalasang ginawang gamot o di kaya naman ay pagkain ang mga pawikan sa mga bansang ito. Maging ang mga carapace o bahay ng pawikan, ginagamit bilang mga ornaments.
Mayo 2014 nang mahuli sa fishing vessel ng labing-isang Chinese nationals ang daan-daang patay at buhay na pawikan habang naglalayag sila sa Hasa-Hasa Shoal sa Palawan. Bago ito, Marso 2014 nang masabat naman mula sa labing isang Vietnamese ang limampung patay na pating sa karagatang sakop ng Taytay, Palawan.
Pero ang masaklap, tila hindi naman naparurusahan ang mga taong gumagawa ng ganitong uri ng paglapastangan sa karagatan ng Pilipinas. Ayon sa PCSD, sa mahigit isang libong foreign poachers na nadakip nila sa karagatan ng Palawan, mahigit dalawampu lamang ang nakakulong. Paano mapoprotektahan ang natatanging yaman ng Palawan?
Huwag palalampasin ang “Ninakaw sa Karagatan, Reporter’s Notebook Summer Special” ngayong Huwebes, 4:30 ng hapon pagkatapos ng Kailan Ba Tama ang Mali?.

More Videos
Most Popular