Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Bagong Simula' ngayong bagong taon sa 'Reporter's Notebook'
'Bagong Simula'
Reporter’s Notebook Special Report
Huwebes, 1 January 2015
4:25 PM sa GMA-7
Sa unang araw ng taong 2015, kukumustahin ng Reporter’s Notebook ang mga taong minsan nang nagpakita ng katatagan sa kabila ng kanilang karamdaman at kasalatan.
Sa isang bayan sa Luzon, nakilala namin noon ang dalawampu’t anim na taong gulang na si “Melissa” hindi niya tunay na pangalan. Ang inakala nilang sugat sa kanyang katawan dalawang taon na ang nakararaan, natuklasan na ketong pala. Bagamat nakakahingi sila ng gamot sa kanilang health center, hindi raw ito sapat kaya may mga pagkakataong hindi siya nakakainom ng gamot. Sa tulong ng Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital, naipasok siya sa ospital at nabigyan ng libreng medikasyon.
Sa tapat ng isang pampublikong ospital, inabutan naming tatlong araw nang naghihintay si Estrella Chavenia, tatlumpu’t apat na taong gulang. Stage three, cervical cancer ang iniindang karamdaman ni Estrella. Pero sa halip na magamot sa loob ng ospital, napilitan raw silang lumabas ng ospital dahil sa kawalan ng pambayad sa mga kinakailangan niyang gamot at dugo.
Nakilala rin ng Reporter’s Notebook ang ilang kabataang may mga rare disease kagaya ng ADRENOLEUKODYSTROPHY o ALD. Isa itong sakit na nagdudulot ng pagkabulag, hirap sa pagkilos at pagsasalita, at mabagal na mental development. Ganito ang dinaranas ni Eoryh, pitong taong gulang. Halos hindi na makakilos ang bata at pinapakain na lamang siya sa pamamagitan ng isang tubo. Bagaman puspusan ang pag-aalaga at pagsisikap ng pamilya ni Eoryh para mapagaling siya, hindi biro ang gastos para sa sakit na ALD. Tatlumpung libong piso kada buwan ang gastos ng pamilya sa mga gamot at iba pang pangangailangan ng bata.
Ngayong bagong taon, panibagong hamon na naman para sa kanilang pamilya ang matustusan ang kanilang mga gamutan. Kumusta na kaya ang kanilang kalagayan?
Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaan. Abangan ang 'Reporter’s Notebook,' Huwebes, 4:25 ng hapon pagkatapos ng 'Ang Lihim ni Annasandra.'

More Videos
Most Popular