Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
'Kalam ng sikmura' sa 'Reporter's Notebook'
KALAM NG SIKMURA
Reporter's Notebook
Huwebes, November 13, 2014
4:25 PM sa GMA-7


Base sa survey na ginawa ng SWS, tumaas ng 6.7 percent ang bilang ng mga nakaranas ng gutom sa Metro Manila. Mula 456,000 na pamilya noong Hunyo 2014, umakyat ito sa 546,000 na pamilya noong Setyembre 2014.

Sa pinakahuling survey ng SWS, lumalabas na tumaas ang bilang ng mga nagsasabing nakaranas sila ng gutom. Mula 3.6 milyong pamilya noong Hunyo 2014, lumobo ito sa 4.8 milyong pamilya noong Setyembre 2014, pinakamataas sa Metro Manila sumunod naman ang Visayas.



Madaling araw nang abutan namin ang walong buwang buntis na si Maricris Magnawa sa isang junk shop sa Tondo, Maynila. Pero hindi lang mga plastic at karton ang iniipon ni Maricris, dahil mula sa mga nakolektang basura na galing sa mga fast food chain, pinipili rin niya ang mga tira-tirang karne ng manok at iba pang ulam. Hindi na bago ang pangongolekta ng tira-tirang pagkain na kung tawagin ay pagpag. Basura man sa tingin ng iba, para kina Maricris, pantawid-gutom ito ng kaniyang pamilya.


Base sa survey na ginawa ng SWS, tumaas ng 6.7 percent ang bilang ng mga nakaranas ng gutom sa Metro Manila. Mula 456,000 na pamilya noong Hunyo 2014, umakyat ito sa 546,000 na pamilya noong Setyembre 2014.
Bukod sa Metro Manila, tumaas rin ang bilang ng mga nagsasabing nakaranas sila ng gutom sa Visayas. Mula 617,000 na pamilya noong Hunyo ay umakyat ang bilang sa 786,000 na pamilya noong Setyembre 2014. Kabilang dito ang ilang pamilyang nabiktima ng bagyong Yolanda.
Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaan. Abangan ang Reporter’s Notebook Special Report, Huwebes, 4:25 ng hapon.
More Videos
Most Popular