Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
'Panaghoy' sa Throwback Thursday ng 'Reporter's Notebook'
THROWBACK THURSDAY: PANAGHOY
Huwebes, October 30, 2014
4:25 PM

Limang taon na ang nakararaan mula nang humagupit ang bagyong Ondoy. Hindi napaghandaan ng karamihan ang malaking baha dulot ng malakas na buhos ulan. Binawian ng buhay ang halos limandaang tao. Pero kahit ilang taon na ang lumipas, may mga binabagabag pa rin daw ng multo ng nakaraan. Sa isang natatanging Throwback Thursday ng Reporter’s Notebook, babalakin ang isa sa pinakamalaking trahedyang tumama sa Metro Manila at mga kalapit bayan nito.

Sa bayan ng Tanay, mahigit animnapu ang binawian ng buhay. Karamihan sa kanila, nakatira malapit sa ilog. Marami raw sa mga inanod sa ilog ang natagpuang bangkay na, ang ilan naman hindi na natagpuan pa. Paniwala ng ilang residente, nagpaparamdam ang mga biktimang hindi pa rin nabibigyan ng maayos na himlayan hanggang ngayon.

Pero higit sa mga pagpaparamdam ng mga nasawing kaanak, patuloy na naaalala ng mga nakaligtas ang trahedya ng Ondoy dahil hanggang ngayon hindi pa rin sila lubusang nakababangon. Ilan sa kanila, nakatira pa rin sa mga itinuturing na danger zones. Samantalang ang mga nasa relocation site, iba’t ibang problema naman ang idinadaing.
Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaan. Abangan ang Reporter’s Notebook Special Report, Huwebes, 4:25 ng hapon.

Tags: prstory, throwbackthursday
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular