Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Napabayaang libingan' sa 'Reporter's Notebook'


Reporter's Notebook
Thursday, October 23, 2014

4:25 PM





Maging sa huling hantungan ay walang katiyakang mabibigiyan ng dignidad ang ilan sa mga pumanaw, dahil mayroong mga pagkakataong sila ay nabubulabog at nagiging kalunos-lunos ang kanilang kalagayan sa mga libingan.



Walang takip, walang pagkakakilanlan at halo-halo ang mga buto ng mga namatay. Ganito ang sitwasyon ng ilang common grave sa mga sementeryong aming binisita dito sa Metro Manila. Sa common grave inilalagay ang mga buto ng mga nitsong expired na ang kontrata.

Nakasaad sa Presidential Decree 856 o ang Code on Sanitation of the Philippines na kung sakaling kakailanganin ang disinterment o pagbubukas ng libingan, kailangang ipagbigay alam sa mga kanaanak ng yumao ang muling pagbubukas nito at higit sa lahat kailangang may tamang pagkakakilalan ang mga buto at selyado ang mga ito sa isang kahon o lalagiyan. Pero sa aming mga nakunan, malinaw na hindi ito naipatutupad.



Hindi lamang mga bangkay ang nagsisiksikan, dahil pati ang mga buhay ay nakikipagsiksikan na rin sa mga patay. Sa looban ng sementeryo, agaw-pansin ang mga kumpol ng mga barong-barong. Ang ilang apartment type na nitso naman ay mistulang naging apartment na ng mga buhay.

Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaan. Abangan ang Reporter’s Notebook Special Report, Huwebes, 4:25 ng hapon.