Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Waterworld' sa Reporter's Notebook


Baha sa Maynila 1

Sa pinagsamang hagupit ng bagyong Mario at hanging Habagat sa bansa, muli na namang lumubog sa baha ang maraming lugar sa Metro Manila at kalapit bayan nito. Mga eksenang paulit-ulit nang nararanasan at nakikita ng maraming residente sa mga nakalipas na taon. Ang tanong, bakit nga ba patuloy ang matinding pagbaha sa kabila ng mga ibinibidang flood control project ng pamahalaan sa Metro Manila?


Baha sa Maynila 2

Isa sa itinuturing na dahilan ng pagbaha ay ang pagiging barado ng mga waterways o daluyan ng tubig. Dulot na rin ito ng maraming kabahayan at establisiyimento na kung hindi man nakatirik malapit sa mga waterways ay mismong sa mga daluyan ng tubig nakatayo. Taong 2012 nang sabihin ng pamahalaan na ililipat ang may isang daang libong pamilyang nakatira malapit sa mga waterways, pero sa ngayon, nasa pitumpu’t limang libong pamilya pa rin ang naninirahan sa mga itinuturing na mapanganib na lugar na ito. Minsan nang tinukoy ng Reporter’s Notebook ang ilang estero sa Maynila kung saan may mga naninirahan pa rin. Inabutan na sila ng baha, hindi pa rin sila naililipat ng tirahan.

Baha sa Maynila 3

Kung tutuusin ay may mga flood control project ang pamahalaan na pinondohan gamit ang Disbursement Acceleration Program o DAP. Ayon sa Department of Public Works and Highways, limang bilyong pisong halaga ng DAP ang inilaan para sa mga flood control project. Isa na rito ang Blumentritt Interceptor Catchment project na pipigil sana sa pagbaha sa Maynila. Pero inabutan na rin ito ng pananalasa ng nakaraang bagyo.
 
Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mgaisyu ng lipunan at pamahalaan. Abangan ang Reporter’s Notebook, Huwebes, 4:35 ng hapon.