Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Cobra for sale at mga bakod sa dagat, tampok sa 'Reporter's Notebook'


REPORTER'S NOTEBOOK
#RNSABADO
Lineup for March 29, 2014



PHILIPPINE COBRA FOR SALE
Ulat ni Jiggy Manicad


Itinuturing ang Philippine Cobra bilang isa sa mga “endangered” na species ng mga ahas. Pero sa isang bayan, buhay ang bentahan ng mga cobra na nahuhuli sa mga bukid. Ilang kalalakihan ang walang takot na sinusuong ang mga lungga ng mga cobra nang walang kahit anumang proteksyon. Makamandag ang Philippine Cobra, maaaring mamatay ang sinumang matuklaw nito. Ganito ang nangyari kay “Nilo”, hindi niya tunay na pangalan, na namatay noon lamang nakaraang buwan. Pero sa kabila nito, patuloy pa rin sa panghuhuli ang ilang residente dahil na rin daw sa kahirapan. Paano nabubuhay ang kalakarang ito?
 




BAKOD SA DAGAT
Ulat ni Maki Pulido


Sa karagatan ng Rosario, Cavite, makikita ang matataas na fish pen na mistulang bakod sa gitna ng dagat. Natuklasan ng "Reporter’s Notebook" na walang permiso mula sa lokal na pamahalaan ang pagtatayo ng mga ito. Ang problema, unti-unti raw pinapatay ng mga malalaking fish pen ang kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda dahil paunti nang paunti ang kanilang nahuhuling lamang-dagat. Sino ang nasa likod ng mga gahiganteng bakod sa dagat?
 
Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaan. Abangan ang Reporter’s Notebook sa bago nitong araw, Sabado na, March 29 pagkatapos ng I-Witness.