Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang mga kuwento sa gitna mismo ng delubyo, ilalahad ng 'Reporter's Notebook'


Reporter's Notebook Special Report"
Sa Gitna ng Delubyo

Airing Date: November 12, 2013





Daan-daan ang kumpirmadong nasawi. Libu-libo ang nawalan ng kabahayan at ari-arian. Milyun-milyon ang napinsalang kabuhayan. Bilyon-bilyon ang halaga ng mga nasirang imprastruktura.
 
Ito ang nakapanlulumong bakas na iniwan ng Bagyong Yolanda sa maraming bayan sa Visayas. Ang super typhoon Yolanda ang itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon. Bukod sa napakalakas na hangin, nagdulot din ito ng storm surge na tinatayang umabot sa dalawang palapag ang taas. Sa tindi ng pinsala, isa na rin ito sa pinaka-mapinsalang bagyo sa kasaysayan ng bansa.
 
Sa Tacloban City sa Leyte, nasaksihan ni Jiggy Manicad ang bagsik at hagupit ng super typhoon. At pagkatapos ng pananalasa nito, tumambad ang malawak na pinsala ng bagyo. Nagkalat sa baybaying dagat at mga daan ang mga nasawi. Maging ang ilang residenteng lumikas sa mga evacuation center, hindi nakaligtas sa pananalasa ng bagyo.
 
Samantalang aalamin ni Maki Pulido kung naging sapat ang paghahanda ng pamahalaan at mamamayan para sa pagdating ng Bagyong Yolanda.


 
Huwag palalampasin ang mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaaan sa REPORTER’S NOTEBOOK ngayong Martes, ika-12 ng Nobyembre pagkatapos ng Saksi.