Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Reporter's Notebook,' ilalahad ang krisis sa Zamboanga City
REPORTER’S NOTEBOOK
Airing Date: September 17, 2013
KRISIS SA ZAMBOANGA
Reporter’s Notebook Special Report
Ulat nina Jiggy Manicad at Maki Pulido
Sa mahigit isang linggong bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at pwersa ng rebeldeng Moro National Liberation Front o MNLF ni Nur Misuari, nagmistulang isang war zone ang dating payapa at tahimik na pamumuhay ng mga residente ng Zamboanga City. Bukod sa pakikipagbakbakan sa mga sundalo, nanghostage umano ng may tatlong daang katao ang MNLF. Sinunog rin ang ilang kabahayan.
Sa isang linggong pananatili ng aming grupo sa Zamboanga City, walang araw na tumigil ang putukan at ang pinaka-naapektuhan ay ang mga sibilyan. Sa kabuuan, umaabot na sa dalawampu’t dalawang evacuation centers ang pansamantalang tinitirhan ng halos pitumpung libong kataong nagsilikas dahil sa bakbakan. Ang mas malungkot, nasa mahigit animnapu na ang nasawi dahil rito.
Paano mawawakasan ang krisis na ito na nagparalisa sa kabuhayan, sumira sa maraming kabahayan at nagdulot ng takot at pangamba sa marami?
Huwag palalampasin ang mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaaan sa Reporter's Notebook ngayong Martes, ika-17 ng Setyembre pagkatapos ng Saksi.
More Videos
Most Popular