Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Reporter's Notebook special report: Ginto
“GINTO”
REPORTER'S NOTEBOOK SPECIAL REPORT
Ulat nina Jiggy Manicad at Maki Pulido
Sa loob ng maraming taon, iba’t-ibang kwento na ang nabuo tungkol sa paghahanap ng mga nakabaong ginto sa ilalim ng lupa. Maging dito sa Pilipinas, hindi maubos-ubos ang mga kwento tungkol sa gintong nakabaon sa lupa. Pero sa bayan ng Paracale sa Camarines Norte, pangkaraniwan na sa mga residente ang makakita at makahawak ng ginto. Gayunman, sa kabila ng malaking halagang katumbas ng ginto, nananatiling mahirap ang mga minero nito. Ang malungkot, ilan sa kanila buhay ang inialay sa paghahanap ng mineral na ito.
Sina Mang Alejandro at Mang Ben, tatlong dekada nang ginagawa ang pagmimina ng ginto. Kasama ni Mang Alejandro ang kanyang labinlimang taong gulang na anak na siyang lumulusong sa balong may limampung talampakang lalim. Walang kahit anumang suportang kahoy ang hinukay nilang balon kaya sa oras na magiba ito, maaari silang mapahamak.
Compressor mining naman ang paraang ng paghahanap ng ginto ni Mang Ben. Mapanganib rin ito dahil kapag namatay ang makina sa itaas, mawawalan siya ng hangin sa ilalim. Sa kabila ng hirap na dinaranas, nananatili silang lugmok sa kahirapan. Dahil sa totoo lang, ang small-scale mining sa paracale, marami ang taong sinasabing sangkot. Ang masaklap, may mga taong higit na nakikinabang kaysa sa kanilang nasa hukay ang isang paa.
Huwag palalampasin ang REPORTER’S NOTEBOOK ngayong Martes, ika-4 ng Hunyo pagkatapos ng Saksi.

More Videos
Most Popular