Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Infographic: Mga magsasakang lugmok sa kahirapan


Ayon sa datos ng United Nations Conference on Trade and Development noong 2010, pangalawa ang Pilipinas sa pinakamalaking pinagkukunan ng buko sa mundo. Sa kabila nito, nananatili isa sa pinakamahirap na sektor sa bansa ang ating coconut farmers.

May malalaking programa at proyekto ang administrasyon upang matulungang umangat ang kalagayan ng mga magsasaka. May mga guminhawa na ang sitwasyon, subalit marami pa rin ang lugmok sa kahirapan.

Sa ikalawang yugto ng SEKTOR, ang 8th year anniversary special ng programa, siniyasat ng Reporter's Notebook ang kasalukuyang kalagayan ng mga magsasaka. — Job de Leon/Ria Landingin/Infographic by Den Fajardo/CM/PF, GMA News