ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Binhi ng Kahirapan' sa Reporter's Notebook
SEKTOR: MAGSASAKA “Binhi ng Kahirapan” Reporter’s Notebook 8th Anniversary Special Second of an Eight-Part Election Series Airing Date: November 27, 2012 Walong makahuluhang taon. Walong mahahalagang sektor. Walong makabuluhang isyu. Mula Oktubre 2012 hanggang Mayo 2013, isa-isang isisiwalat ng Reporter’s Notebook ang iba’t ibang isyung nakaaapekto sa buhay ng walong pinakamahihirap na sektor sa bansa ayon sa National Statistical Coordination Board. 
Sa ikalawang pagtatanghal ng “Sektor”, sisiyasatin ng Reporter’s Notebook ang dahilan kung bakit patuloy na nalulugmok sa kahirapan ang mga magsasaka. Sumabay sa paglalakbay mula Luzon, Visayas at Mindanao upang tuklasin ang kanilang tunay na kalagayan. Mula sa mga magsasaka ng niyog sa Quezon, mga sakada sa Negros Occidental, hanggang sa mga magsasaka ng palay sa Zamboanga del Sur, isa-isang dadayuhin nina Jiggy Manicad at Maki Pulido ang bawat lugar upang alamin ang kalagayan ng mga taong kumakayod para sa ating pagkain.
Ilang malalaking programa at proyekto na ang ipinatupad ng mga nagdaan at kasalukuyang administrasyon upang maiangat ang kalagayan ng mga magsasaka. May mga guminhawa na ang sitwasyon, pero hanggang ngayon, marami pa rin ang lugmok sa kahirapan. Habang ang mga kamay nila ang naglalagay ng laman ng ating hapag, marami naman sa kanila ang walang maihain sa kanilang mga pamilya. Huwag palampasin ang Sektor: Magsasaka, Binhi ng Kahirapan ngayong Martes, ika-27 ng Nobyembre pagkatapos ng Saksi sa GMA!

Sa ikalawang pagtatanghal ng “Sektor”, sisiyasatin ng Reporter’s Notebook ang dahilan kung bakit patuloy na nalulugmok sa kahirapan ang mga magsasaka. Sumabay sa paglalakbay mula Luzon, Visayas at Mindanao upang tuklasin ang kanilang tunay na kalagayan. Mula sa mga magsasaka ng niyog sa Quezon, mga sakada sa Negros Occidental, hanggang sa mga magsasaka ng palay sa Zamboanga del Sur, isa-isang dadayuhin nina Jiggy Manicad at Maki Pulido ang bawat lugar upang alamin ang kalagayan ng mga taong kumakayod para sa ating pagkain.
Ilang malalaking programa at proyekto na ang ipinatupad ng mga nagdaan at kasalukuyang administrasyon upang maiangat ang kalagayan ng mga magsasaka. May mga guminhawa na ang sitwasyon, pero hanggang ngayon, marami pa rin ang lugmok sa kahirapan. Habang ang mga kamay nila ang naglalagay ng laman ng ating hapag, marami naman sa kanila ang walang maihain sa kanilang mga pamilya. Huwag palampasin ang Sektor: Magsasaka, Binhi ng Kahirapan ngayong Martes, ika-27 ng Nobyembre pagkatapos ng Saksi sa GMA! More Videos
Most Popular