Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Generation gap, balakid sa relasyon ng mag-lola?


 


REEL TIME presents 18 & 80
September 13, 2019

Ang 80 years old na si Lola Elizabeth, may matagal nang pino-problema. Ang relasyon niya kasi sa 18 years old niyang apo na si Bea --- it’s complicated! Lagi raw silang nagtatalo ng pinakabata niyang apo, dahil si Bea --- guilty sa pagbababad sa kanyang cellphone at gadget. Kapag wala nga raw siyang ginagawa, 24/7 siyang busy sa kaka-Facebook at kakalaro ng online games. Talaga namang generation gap is real!

Saksi nga raw ang kanilang hapag-kainan sa tuwing pagsasabihan ni Lola Elizabeth si Bea. Depensa naman ni Bea, pantanggal stress lang daw ang pag-log in niya sa kung anu-anong social media applications.

Para subukang ipatindi kay Lola Elizabeth ang mundong ginagalawan ng mga kabataan ngayon, ishe-share ni Bea sa kanyang lola ang mga ganap ngayon online! Gagawa si lola ng GC o group chat para makausap ang iba pa niyang apo. Susubukan din niyang ibahagi ang kanyang secret laing recipe sa Facebook live at may pa-online terms 101 pa si Bea kay lola. Maka-keep up naman kaya ang ating lola?

At siyempre, hindi pahuhuli si Lola Elizabeth dahil hihirit din siya kay Bea! Kayanin kaya ni Bea ang "no cellphone challenge" ni lola? Ano kaya ang matututunan niya sa kanyang pag-log out sa online world?

Tuluyan kayang matuldukan ang kanilang generation gap?

I-invite na ang inyong mga lolo at lola, mag-bonding kasabay ng panonood ng Reel Time presents 18 & 80, 7:15pm, Biyernes sa GMA NewsTV!