Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

SOGIE Bill, maisasabatas pa kaya?


 


REEL TIME presents CHRISTIAN & KURT
AIRING DATE: JULY 12, 2019

SYNOPSIS

Itinala ang pinakamalaking bilang ng mga dumalo sa Pride march sa Pilipinas nitong 2019. Umabot sa 77,000 ang sumama sa protest march. Pero noon pa man, gumawa na ng kasaysayan ang Pilipinas. Noong 1994 kasi, idinaos sa ang pinakunang Pride march hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong Asia-Pacific region.

Pero magpahanggang ngayon, hindi pa rin daw lubusang makulay ang buhay ng mga LGBTQ+. Makalipas kasi ang halos dalawang dekada, wala pa ring naipapasang anti-discrimination bill na poprotekta sana sa karapatan ng mga miyembro ng LGBTQ+ community.

Ang magpartner na sina Christian at Kurt --- kabilang sa LGBTQ+ community. Sa kabila ng kanilang limang taong pagsasama, hindi sila nakaiwas sa mga bagyong humahdalang sa sana’y makulay nilang pag-iibigan.

Sa isang bansa na marami ang sagrado Katoliko, tunay nga bang tanggap na natin sa lipunan ang mga tulad nina Christian at Kurt? Totoo nga bang pantay ang pagtingin sa kanila ng lipunan? Bakit hanggang ngayon ay marami pa ring bumabatikos sa panukalang batas na magbibigay sa kanila ng karapatang magsama at magtaguyod ng pamilya?

Ang SOGIE Equality bill kasi na isinusulong sa Kongreso at Senado, umabot na sa 19 taon pero hindi pa rin umuusad. Maaninag pa kaya ng mga LGBQT+ ang bahaghari sa laban ng kanilang mga karapatan?

Sa isang experimental documentary, alamin natin ang takbo at kasalukuyang estado ng LGBTQ+ movement sa Pilipinas sa Reel Time presents Christian & Kurt, sa bago nating araw at oras, Biyernes, 7:15pm sa GMA NewsTV11.