Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Kalagayan ng mga hayop at tagapangalaga ng Manila Zoo, alamin!


Reel Time presents: “Maali and Company”


Ang Manila Zoo ang pinakamatandang Zoo sa Asya, nagbukas ito noong 1959. Noong nakaraang January 2019 ay isinara ito ng Manila City Hall bilang pakikiisa sa kampanyang linisin ang Manila Bay. Sinasabi kasing ang zoo ang isa sa pinagmumulan ng mga dumi na dumadaloy sa estero, na papunta naman sa Manila Bay.

Makalipas ang mahigit limang buwan, nananatiling nakasarado ang Manila Zoo, hindi pa rin naisasaayos ang mga estero at daluyang siyang dahilan ng pagkasara nito.

Dahil sa pagkakasara ng zoo, nakitaan diumano ng pagka-tamlay ang ilang mga hayop doon. Ano ang mga ginagawang paraan ng mga kawani ng zoo para patuloy na maalagaan ang mga hayop dito?

Tunghayan ang buhay ng mga tao at hayop sa loob at labas ng rehas, sa Reel Time presents “Maali and Company” Sabado ng gabi, 9:15 PM sa GMA News TV.