Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
REEL TIME

Panghuhuli ng Kuwaw, mapanganib nga ba?


 

 

REEL TIME PRESENTS “Kuwaw: Piyesta ng Isda”

Ilang buwan lamang sa isang taon, naglalabasan ang mga KUWAW, isang isdang mapula ang balat at malaki ang mata.

Sa isang bayan sa Albay, susuungin ng mga matatapang na mangingisda ang masungit na karagatan, para makahuli ng KUWAW. Dito nakasalalay ang kanilang masaganang kabuhayan para sa buong taon.

Kabilang sa mga matatapang na mangingisdang ito ay si Jodi, ang nag-iisang babaeng mangingisda. Kailangan niyang makahuli ng maraming kuwaw para maka-kain ang kaniyang pamilya.

Pero may mga naka-ambang panganib.

Sinasabing taon taon, sa dami ng kanilang nahuhuli ay marami rin ang nagbubuwis ng buhay sa kanilang hanay ng mga mangingisda. Kaya isang pistang pasasalamat ang kanilang ginagawa bilang alay para hindi na maging delikado ang kanilang pangingisda.

Sa Barangay Buhatan, naghihintay si Kapitana Melba, kailangan niyang makaipon ng halos 400 kilo ng Kuwaw para mapakain ang mga bisita sa inihahandang Kuwaw Festival.

Makahuli kaya sila ng sapat na isda para sa pamilya? Para sa barangay?

Abangan ang kuwento ng Kuwaw at ang mga masigasig na kababaihan ng Brgy. Buhatan, sa Reel Time presents “Kuwaw: Piyesta ng Isda” Sabado 9:15 ng gabi, sa GMANews TV.

Tags: gmanewstv, kuwaw