Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Bo Sanchez' secrets to financial and spiritual wealth, tampok sa 'Powerhouse'
Ang kanyang kasambahay, may halos isang milyong piso lang naman dahil sa tulong niya. Ang puhunan, labinlimang piso lang!
Ang misyon daw ni Bro. Bo Sanchez ay ang tulungan ang mabubuting tao na yumaman. Bilang isang financial consultant at inspirational speaker, naniniwala siya na ang pag-i-invest ang sagot sa problema ng mga Pilipino na gustong maging milyonaryo. Alamin kung paano yumaman sa tulong ng kanyang 100,10,20,70 formula.
Nag-iisang anak at lumaki sa relihiyosong pamilya si Bro. Bo. Labing-apat na taong gulang siya nang unang magturo ng ebanghelyo. Biniyayan daw siya ng Diyos ng "gift of communication" kaya naman sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsusulat naibabahagi niya ang salita ng Diyos.
Pero sa murang edad ay nakaranas daw siya ng pamomolestiya na nakapagbago sa buhay at pagkatao niya. Sa kabila nito, naging matatag daw si Bro. Bo at mas lumalim pa ang pananampalataya sa Diyos. Hindi siya naging pari gaya ng pinangarap ng kanyang ina, pero nakilala siya bilang "Preacher in Blue Jeans".
Taong 2000 nang ipinatayo ni Bro. Bo ang kanilang dalawang palapag na bahay. Puti ang tema ng bahay ni Bro. Bo dahil mas madali raw itong lagyan ng art pieces.
Ang bricks na nakalagay sa ilang haligi ay nabili pa raw sa isang lumang bahay. Dahil mahilig sa arts ang kaniyang mga anak at asawa, napuno ang kanilang sala ng mga obra nito. Mahilig din sa musika si Bro. Bo kaya naman may piano rin na makikita rito. Si St. Francis of Assissi ang paboritong santo ni Bro. Bo kaya ito rin ang nakalagay sa kanilang family altar. Si St. Francis daw ang santong naglaan ng kaniyang buhay sa mahihirap.
Dalawampung taon daw siyang naging "poor missionary" pero ngayon ibinabahagi na niya ang kaniyang formula para mapasama sa "Truly Rich Club". Paano nga ba yumaman si Bro. Bo. Sanchez sa ispiritwal at pinansiyal na aspeto?
Ngayong Miyerkules pagkatapos ng Destiny Rose, sikreto sa spiritwal at pinansyal na yaman ng misyonaryo at negosyanteng si Bro. Bo Sanchez kasama si Kara David sa Powerhouse.
Tags: pr
More Videos
Most Popular