Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Ang huling pag-ibig ni Dina Bonnevie
Mapapanuod ang Powerhouse tuwing Miyerkules, 4:50 PM sa GMA. Para sa karagdagang impormasyon sa programa, sundan kami sa Facebook at Twitter. Para naman sa impormasyon tungkol sa mga paborito ninyong Public Affairs program, sundan ang GMA Public Affairs.
Maraming leading men na nga raw ang dumaan sa buhay ni Ms. D sa pelikula at telebisyon. Kung masuwerte siya sa kapareha sa showbiz, pagdating sa totoong buhay, muntikan na raw siyang sumuko sa paghahanap.
How DV won the heart of Ms.D.
Ilang beses man siyang nabigo, kalauna’y dininig din ng Diyos ang kaniyang matagal ng pinapanalangin sa katauhan ni Ilocos Sur Vice Governor Deogracias Victor Savellano o mas kilala sa tawag na “DV.” Sa Ilocos Sur sila unang nagkita.
Naging malapit ang dalawa sa isa’t isa nang magkaroon ng proyekto ang batikang aktres sa kanilang probinsya. Tila agad na nabighani ni Dina ang puso ni DV ngunit wala pa raw noon sa isip niya na magkaroon ng bagong kasintahan.

“I didn't want to be involved [with] anyone. I wasn't looking for anybody!” sabi ni Ms. D.
Nagsimula sila sa simpleng pagkakaibigan ngunit pursigido ang bise-gobernador na masungkit ang pagmamahal ni Ms. D. Ginawa niya ang lahat para mapatunayan ang kaniyang wagas na pagmamahal katulad ng paghanda ng isang surprise party sa ika-50th birthday ni Dina. Sa katunayan, kinuntsaba pa niya ang mga co-stars ni Ms. D na sina Gabby Concepcion upang magkunwari na sila ay kukuha ng eksena para sa teleserye na kanilang pinagtatambalan. Walang kaalam-alam ang aktres na hindi taping kundi isang gabing hindi niya makakalimutan ang nag-aabang sa kaniya.
“Iyak na ako nang iyak. Parang it was really like a debut,” pagbabahagi ni Dina.
At dito, tuluyan na ngang nahulog ang damdamin ni Ms. D kay DV. Ang bise-gobernador hindi rin nagpaawat ng gabing iyon sapagkat hinandogan niya ng espesyal na awitin ang birthday celebrant.
Pero hindi pa roon nagtatapos ang sorpresa sapagkat inalayan rin niya si Dina ng isang butaka o rocking chair. Ayon kasi sa tradisyon ng mga Ilokano, inaalay lamang ang butaka sa taong iyong nais makapiling pang-habangbuhay.
”Kristine (Hermosa) was crying and crying. Oyo was crying, Mark (Pingris) was crying, Danica was crying. I was so happy na sabi ko that time I have no doubt in my mind na ito na nga siguro ang ibinigay sa akin ni God,” sabi ni Ms. D.
From Ms. Bonnevie to Mrs. Savellano
Pagsapit ng buwan ng mga puso, dito na nag-propose si DV kay Dina. Taliwas ng kaniyang engrandeng birthday surprise, simple lang at taimtim ang paghingi niya ng kamay ni Ms. D.

“Pagpasok niya sa car [binigay ‘yung ring.] Sabi ko, ‘Ano ‘to?’ Akala ko na naman tanzan pagtingin ko eternity ring na. What am I gonna do? What am I gonna do? Tatanggapin ko ba to o hindi?” kuwento ni Dina.
Ang kaniyang mga agam-agam ay nabigyan ng linaw nang ang ama niya na mismo ang nagbigay ng basbas sa kanilang pagmamahalan ni DV. Ang kaniyang mga anak namang sina Danica at Oyo ay labis ang kagalakan sapagkat sa wakas, magkakaroon ang kanilang nanay ng taong makakasama nito sa pagtanda.
“Si Oyo na napaka-antipatiko, napaka-heckler sa lahat ng mga lumiligaw. Lahat ng naging boyfriend ko hate niya. Kahit sino hate niya. Pero sabi niya, ‘Mukang okay naman si Tito DV parang ang bait-bait niya. Ba't hindi na lang siya Ma?’ Nagulat ako, my God!”
Sabi nga nila, sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin daw ang tuloy. Hindi rin nagtagal at nagpakasal na sina Dina at DV noong March 29, 2012.
“Masasabi ko lang kumpletos rekados. Nand’un na lahat, may kaibigan ka, may kasama ka, mga hilig mo, hilig din niya, so nagkakatugma,” paglalarawan ni DV sa kanilang kasal.
May forever
Madalas daw si Dina umuwi sa Ilocos Sur lalo na kapag walang taping. Ngunit hindi niya inaasahan na magbabago nang lubusan ang kaniyang mundo kasabay ng pagpasok niya sa panibagong yugto ng kaniyang buhay. Bilang asawa ng isang politiko, inaasahan ang kaniyang pakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao at siyempre, may mga ibang hindi naiintindihan ang kaniyang diumano’y mataray at prangkang personalidad.

“The first and second year was talagang ‘Oh my gosh! Totoo ba ‘to?’ Ang hirap palang maging politician’s wife. Ang ayoko lang siguro about politics is ‘yun na nga, parang you can't please everybody and talagang you can't win them all,” kuwento ni Ms.D.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, wala na atang mahihiling pa si Dina.. Dumating na sa kaniyang buhay ang taong magmamahal sa kaniya nang lubusan sa panahong hindi niya inaasahan. Ang kaniyang dalawang anak naman ay may kaniya-kaniya na ring masasayang pamilya. Patunay lamang na ano man ang iyong nakaraan o pinanggalingan, lahat tayo ay nararapat para sa isang “happy ending.”
“Parang ito na yata ang reason kung bakit ako crineate ni God. Ito yata talaga ang destiny ko.” --- Kimberlie Refuerzo/BMS
More Videos
Most Popular