Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mayor Benhur Abalos on 'Powerhouse'


Powerhouse
Mayor Benhur Abalos
Date of Airing: May 14, 2015
11:15 PM on GMA-7




Noong kanyang kabataan ay na-diagnose siya ng dyslexia, isang disorder kung saan nahirapan siya magbasa at magsulat nang maayos, bali-baligtad kasi ang tingin niya sa mga letra. Bukod dito, slow learner din daw siya.  Pero sa kabila nito, nagtagumpay siya sa buhay at naging mayor pa nga. 

Ngayong Miyerkules sa "Powerhouse", silipin ang bahay at buhay ni Mayor Benhur Abalos, ang ama ng tinaguriang Tiger City of the Philippines, ang Manadaluyong.
 
Matapang at malakas raw ang paglalarawan sa pangalang "Ben-hur" na isang karakter mula sa isang pelikula noong 1950s. Kaya naman ito ang ibinigay na palayaw ng kanyang lola sa kanya dahil siya ay sakitin noong bata pa. Nag-aral ng abogasya at sinundan ang yapak ng amang si Benjamin Abalos na dating MMDA at COMELEC Chairman at Mayor ng Mandaluyong City. Sa kanyang termino ay naging kilala ang Mandaluyong bilang isang huwarang siyudad sa bansa.
 
Samahan si Kara David libutin ang 500 square meters na tahanan ni Mayor Abalos na may temang  Mediterranean. Taong 1996 nang lumipat ang pamilya Abalos sa bahay na ito na may anim na kuwarto. Dahil sa hilig sa kabayo ni Mayor Benhur, makikita ang iba't ibang palamuting disenyo nito sa loob ng kanyang tahanan. Pagpasok pa lang sa kanyang sala ay may isang brass sculpture ng walong kabayo na gawa ni Eduardo Castrillo ang sasalubong sa mga bisita. Isang sofa naman na obra ni Kenneth Cobonpue ang makikita sa sala. May mga gamit rin na mula pa sa Betis, Pampanga.
 
Kahit na abala sa serbisyo publiko ay may oras pa rin si Mayor Benhur para sa kanyang pamilya. Sinisiguro rin niyang hindi mapabayaan ang kalusugan at pangangatawan kaya araw-araw siyang nag-eensayo ng boxing at firing bilang pang-alis ng tensiyon.
 
Sa panayam sa kanya ni Kara David, sasagutin ni Mayor Benhur ang ilang kontrobersya sa personal na buhay at sa pulitika. Ikukuwento niya kung paanong ang isang dyslexic at slow learner na katulad niya ay nagtagumpay sa kanyang karera. Magsasalita rin siya tungkol sa pagkakakulong ng kanyang ama at pagkamatay ng kanyang anak.
 
Mapapanood ang "Powerhouse" ngayong Miyerkules ng gabi pagkatapos ng "Saksi" sa GMA.