ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang People's Mansion ni Ate Vi sa 'Powerhouse'


Powerhouse
Vilma Santos
Date of Airing: April 2, 2014
11:15 PM, GMA-7

 
Ngayong Miyerkules sa "Powerhouse", samahan si Kara David na bisitahin si Batangas Governor Vilma Santos-Recto. Ipasisilip ni Ate Vi ang People’s Mansion, ang opisyal na tirahan ng Gobernador ng Batangas.
 

Sa bawat pagpapalit ng administrasyon, ganun din daw ang pagbabago ng disenyo ng loob nito. Ang dating fountain ay ginawang kwarto kung saan isinasagawa ang konsultasyon tuwing People’s Day.  May pribadong kwarto rin si Ate Vi sa loob ng mansyon pero may sabi-sabi na may nagpapakita daw ditong multo!
 
Bukod sa kanyang opisina, ipasisilip din ni  Ate Vi ang kanyang mobile office, isang bus na ginagamit niya para mag-fieldwork at bumisita sa iba’t ibang munisipalidad ng Batangas.
 
Unang lumabas si Ate Vi sa pelikulang Trudis Liit noong siya’y siyam na taong gulang pa lamang. Sa ganda ng takbo ng kanyang karera bilang Star for All Seasons, may isa raw siyang pinagsisihan: “The biggest regret of my life is that I wasn't able to finish my education, but I was able to graduate kahit high school”.
 
Inamin ni Ate Vi na sila ni Nora Aunor ang mga unang artista noong kanilang panahon na binayaran ng isang milyon na talent fee pero hindi raw niya nahawakan ng maayos ang kanyang pera: “Lahat ng lote ko at bahay ko ay nakuha ng bangko tapos may utang pa ako. Ultimo bahay na tinitirahan ko nakasangla sa bangko. Thank God I was able to recover. Iyan ang tinatawag na expensive education, bago ako natutong hawakan ang pera ko, bumagsak muna ako, literally back to zero financially”.
 
Huwag palalampasin ang masayang kwentuhan ni Kara at ni Ate Vi tungkol sa kanyang pagbangon at tagumpay sa mundo ng showbiz at pulitika, at maging sa kanyang personal na buhay. Ano pa nga ba ang kanyang mga plano sa hinaharap? Nagparetoke na ba siya? Tatakbo ba siya sa mas mataas na posisyon sa 2016?
 
Mapapanood ang Powerhouse ngayong Miyerkules, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.