Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'The Man with Many Faces' Jon Santos on 'Powerhouse'


Powerhouse
Jon Santos
Date of Airing: January 14, 2014
8 PM, GMA News TV-11




Naging Ate Vi, Sherap Espada, Sen. Meeryam, Pres. Gloring, Krissy Anino, Pasyamsey Sapsap, Be-My-Lady-Gaga, Okrah Weenfree, Charice Penpendesarapengco, Pineapple De Ap, at marami pang iba't ibang katauhan pero iisang katawan ang nagmamay-ari nito. Hindi ka raw maituturing na sikat hanggat hindi ka ginagaya ni Jon Santos.

Halos tatlong dekada nang nag-i-impersonate ng iba't ibang personalidad si Jon. Hindi lang sa perpektong makeup at costume siya nakilala kundi  sa pagsusulat  ng  satirical jokes, na talagang pinag-aaralan at pina-practice niyang mabuti.

"Men who travel " ang tema ng bahay ni Jon. Puno ito ng mga memorabilia mula sa kanilang mga biyahe. Marami rin siyang mga lumang bagay na pinamana sa kanya ng magulang, kamag- anak at kaibigan

Sa kabila ng kasikatan, hindi naging biro ang  naranasan ni Jon  sa kanyang buhay. Minsan na siyang naging alcoholic pero sa tulong ng mga nagmamahal sa kanya ay nalagpasan naman niya ito. Ngayon ay masaya siyang namumuhay kasama ang kanyang partner na si West Stuart. Taong 2005 nang ikinasal ang dalawa sa Toronto, Canada.

Alamin ang kwento ng buhay at libutin ang bahay ng tinatawag na "The Man with Many Faces" ngayong Martes sa "Powerhouse," ika-8 ng gabi sa GMA News TV.