Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang 'Powerhouse' nina Myrna Bituin and Willy Layug
Powerhouse
Willy Layug and Myrna Bituin
Airing date: December 3, 2013
8:00 PM, GMA News TV-11
Nagawi na ba kayo sa Betis, Pampanga? Isa sa ipinagmamalaki ng lugar na ito ay ang kanilang lahi ng mga mang-uukit. Kilalanin ang dalawang personalidad na umukit ng pangalan nila hindi lang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa.
Si Myrna Bituin ay ang may-ari ng furniture exporter na Betis Craft, Inc. May apat na dekadang karanasan na sila sa paggawa ng furniture. Nagsimula sa benteng trabahador noong 1972, ngayon ay may higit 300 na ang kanyang mga empleyado. Ilan lang sa kanilang mga gawa ay makikita sa palasyo ng Malacanang at sa Coconut Palace. Ang kanilang mga obra ay tinatangkilik na rin sa iba't ibang panig ng mundo. Sa katunayan noong 1994, sila ang may gawa ng upuan na ginamit sa Ms. Universe. Hindi lang 'yan, sa Hollywood movie na Sex and the City, gawang- Betis ang kamang ginamit.
Silipin ang bahay ni Myrna sa Betis at mamangha sa mga magagandang ukit dito, mula sa mga magagarang upuan hanggang sa mga mahahabang mesa at dambuhalang frame. Sumama rin sa pag-iikot sa kanyang tatlong hektaryang hardin kung saan nakatayo rin ang kanilang showroom.
Bukod kay Myrna, ang kapitbahay niyang si Willy Layug ay gumagawa na rin ng ingay sa larangan naman ng ecclesiastic art. Ipasisilip ni Willy ang kanyang tahanan sa Betis, Pampanga na puno ng mga magagandang obra na siya mismo ang may gawa.
Alamin ang kwento ng kanilang tagumpay ngayong Martes sa "Powerhouse", ika-8 ng gabi sa GMA News TV.

More Videos
Most Popular