Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

World-class sportsmen Django Bustamante at Eugene Torre, tampok sa Powerhouse


Dalawang world-class sportsmen ang makakaharap ni Mel Tiangco sa Powerhouse ngayong Martes.
 

Unang bibisitahin ni Mel si Eugene Torre, ang kauna-unahang Chess Grand Master sa Pilipinas at sa buong Asya. Unang hawak pa lang daw ni Eugene sa mga piyesa ay nabighani na raw siya rito. Edad disisais nagsimula si Eugene sa pagsali sa iba't ibang chess competitions na halos lahat ay napanalunan niya. Pero noong 1974, nagtala siya ng world record nang manalo siya sa World Chess Olympiad, ang pinaka-prestihiyosong kumpetisyon sa buong mundo.

Samantala, makakausap rin ni Mel si Francisco "Django" Bustamante. Kilala sa kaniyang 'powerful break shot,' maagang nahasa si Django sa bilyar. Kaya imbes na tapusin ang pag-aaral, sinundan niya ang pangarap na maging isa sa pinakamahusay na billiard players sa buong mundo. Ngayon, apatnapung international billiard tournaments na ang naipanalo niya.  Hawak din niya ang record sa pinakamalakas na break shot na 43 miles per hour!

Silipin ang bahay ta buhay ng dalawang manlalarong nagbigay-karangalan sa bansa, sina Eugene Torre at Django Bustamante, sa Powerhouse, Martes, 8:00 PM sa GMA NewsTV.