ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
The home and life of sports analyst Chino Trinidad, this Tuesday on Powerhouse
Wala raw siyang inuurungan, kahit boxing champion pa! Ito ang matapang na paninindigan ng Kapuso sports analyst na si Chino Trinidad. Sa Martes, makaka-one-on-one ni Mel Tiangco si Chino sa Powerhouse.
Parehong sports journalists ang mga magulang ni Chino na sina Reccah at Maria Fe. Kaya hindi na nakapagtatakang sports din ang naging karera niya kahit pa pre-medicine ang kinuha niyang kurso sa kolehiyo. Ayon kay Chino, malaking inspirasyon para sa kaniya ang sipag, disiplina at dedikasyon ng kaniyang mga magulang sa kanilang trabaho.
Ang tinitirhan ngayon ni Chino ay isang apartment sa Mandaluyong kung saan mismo siya ipinanganak. Kasama niya rito ang kaniyang misis at mga anak. Mabuti na lang daw at mahusay mag-disenyo si misis kaya naman ang dating simpleng apartment, ngayon ay moderno na! Karamihan sa mga kagamitan sa bahay ay gawa sa kahoy. Maging ang sahig ay gawa sa hardwood. Isang bentahe raw ito lalo na kapag inaabot ng baha ang bahay. Dahil low maintenance, konting punas at pahid lang daw ng wood polisher, ayos na!
Sa kanilang heart-to-heart talk ni Mel, iki-kwento ni Chino kung paano siya nagsimula sa pagiging sports journalist; ang unang pagtatagpo nila ni Manny Pacquiao noong ito'y disi-siyete anyos pa lang; at maging ang saloobin niya tungkol sa palitan nila ng boksingerong si Nonito Donaire, Jr. ng maaanghang na salita sa social networks.
Lahat ng 'yan abangan sa Powerhouse, Martes, 8:00 PM sa GMA NewsTV.
More Videos
Most Popular