Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

OPM legend Mike Hanopol opens the doors of his home for 'Powerhouse'


Sa Martes, bibisitahin ni Mel Tiangco ang tinaguriang “Jeproks” ng Pinoy Rock—si Mike
Hanopol—sa Powerhouse.
 
Sa trademark niyang leather pants, black beret at electric guitar, hindi mo aakalaing si Mike
pala ay dating seminarista. Palibhasa’y parehong guro ang kaniyang mga magulang, nakita
nilang magandang oportunidad ang pagpapaaral sa kaniya sa seminaryo noong high school.
Pero halos araw-araw daw ay umiiyak ang batang si Mike kaya hindi rin siya nagtagal dito.
Nang kalaunan, sinubukan niyang kumuha ng Medical Technology at Fine Arts sa kolehiyo
pero Psychology ang kursong natapos niya. 'Yun nga lang, malayo sa kurso ang napili
niyang karera!
 
Sa bahay ni Mike, kitang-kita ang pagiging artistic niya - mula sa mga antigong muwebles
hanggang sa koleksiyon niya ng gitara. May maliit na koleksiyon din siya ng paintings
ng kaibigang pintor na si Eduardo Torda na sumasalamin daw sa pagiging relihiyoso niya.
Kapansin-pansin din ang maliit na prayer room o synagogue kung saan siya nagdadasal
kasama ang mga kapwa niya Messianic Jews. Ang mga libro at bibliya na isinulat sa Hebrew
ay masusi raw pinag-aralan ni Mike bago siya ay naging ganap na Jewish Messianic teacher!
 
Kamustahin ang isang alamat ng Pinoy Rock, si Mike Hanopol, sa Powerhouse, Martes, 8:00 PM
sa GMA News TV.