Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Powerhouse: Mikee Cojuangco-Jaworski at Dodot Jaworski


POWERHOUSE: MIKEE COJUANGCO-JAWORSKI AT DODOT JAWORSKI 
Airing date: September 25, 2012 8:00 ng gabi sa GMA News TV Channel 11  
Ngayong Martes sa Powerhouse, bibisitahin ni Mel Tiangco ang power couple na sina Dodot Jaworski at Mikee Cojuangco-Jaworski. Parehong mula sa prominenteng angkan ng mga Cojuangco at Jaworski na sikat sa negosyo, sports, at pulitika pero ang priority ng mag-asawa... pamilya pa rin. 
 
Matatagpuan ang kanilang 3-storey home sa isang exclusive subdivision sa Pasig. Si Dodot mismo ang nagdisenyo ng modern interiors nito. Dahil sa mataas na kisame at malalaking mga bintana, tila mas malawak pa sa 630 square meters ang floor area ng bahay. Tampok sa kanilang tahanan ang mga obra ng sikat na Filipino artists na sina Oscar de Zalameda, Eduardo Castrillo, at H.R. Ocampo.   Siyempre, dahil malaking bahagi ng buhay ni Mikee ang pagiging isang equestrian, hindi palalampasin ni Mel Tiangco na makita ang paboritong  kabayo ni Mikee, ang national champion na si Ash. Bagamat niloloko ni Mikee na bad breath ang alaga, mahal na mahal niya raw ito na parang sariling anak. Hindi naman magpapatalo si mister, ang specialty ni Dodot na Bangus with Tomato Sauce ang siya namang ipatitikim niya sa host ng Powerhouse. 
 
At sa kauna-unahang pagkakataon, ipakikita rin ng mag-asawa ang kanilang farm sa Tarlac. Buhay-probinsya tuwing pumupunta ang pamilya rito. Sili, okra, papaya at sayote ang ilan lang sa mga pananim nila. May mga alaga rin silang hayop tulad ng kambing, kabayo, at ostrich.  Ipasisilip din ng mga Jaworski ang bonding time ng kanilang pamilya: ang swimming at basketball.
 
Sa kanilang kwentuhan, ibabahagi nina Dodot at Mikee ang sikreto ng kanilang masayang pagsasama, ang kanilang mga tampuhan, ang pagdidisiplina sa kanilang tatlong boys at maging ang pagba-budget sa mga bayarin sa bahay. 
 
Ang bahay at private life ng power couple na sina Dodot at Mikee Jaworski ay mapapanood sa Powerhouse with Mel Tiangco ngayong Martes, 8 PM sa GMA News TV.
Tags: plug