Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Hapee Toothpaste owner Cecilio Pedro on 'Powerhouse'


POWERHOUSE: CECILIO PEDRO
Airing date: August 21. 2012
 
Ngayon Martes sa Powerhouse, samahan si Mel Tiangco na kilalanin ang pwersa sa likod ng all-Filipino brand na Hapee Toothpaste.
 
Nagsimula si Cecilio bilang supplier ng aluminum tubes para mga higanteng toothpaste brands. Lumago na sana ang negosyo niya pero sa hindi inaasahang pangyayari, na-bankrupt ito nang gumamit ng plastic imbes na aluminum tubes ang kaniyang mga kliyente. At bagamat nagsara ang kumpanya, ibinangon ni Pedro ang kumpanya sa pamamagitan ng paggawa ng sarili niyang produkto:  ang Hapee Toothpaste. Mula sa limang empleyado, ito na ngayon ang isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa.
 
Sa kaniyang house tour, ipakikita ni Cecilio kay Mel ang bahay kung saan siya lumaki.  Kasama niyang naninirahan dito ang kaniyang asawa at mga magulang.  May tatlong palapag ito at swimming pool!  Pero ang ipinagmamalaki ni Cecilio ay ang salt water aquarium na nagtataglay ng live corals. Kahanga-hanga rin ang kaniyang wine cellar na naglalaman ng halos pitong daang bote ng wine!
 
Sa kanilang pag-uusap, iku-kuwento ni Cecilio ang kaniyang aktibong pagsali sa iba't ibang socio-civic works, kasama na riyan ang Operation Smile at maging ang pagkakaroon ng mga iskolar. Siya rin ang kasalukuyang presidente ng Deaf Evangelical School sa Cavinti, Laguna kung saan libreng napapaaral ang mga deaf students. Bitbit din ni Cecilio ang adbokasiya niya sa kaniyang kumpanya kung saan may mga empleyado din siyang hearing impaired.
 
Paano nga ba nababalanse ang pagmamalasakit  sa kapwa at galing sa negosyo? Alamin sa Powerhouse ngayong  Martes,  8PM sa GMA News TV.
Tags: plug