Tatlong restaurants sa Baguio, isinalang sa review ng 'Pop Talk'


Hindi mauubusan ng masasarap na kainan sa tinaguriang ‘Summer Capital of the Philippines.’ At bilang huling hirit sa month-long celebration ng ‘Panagbenga Festival,’ naghanap ang Pop Talk ng tatlong home-grown restos around Baguio na ating rerebyuhin. Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?


Isasalang sa rebyu ang: CAFÉ YAGAM sa J. Felipe Street; ang OZARK DINER sa may Bareng Drive corner Bakakeng Road; at ang CAFÉ IN THE SKY sa may Mt Sto. Tomas. Makakasama ng host na si Tonipet Gaba bilang guest reviewers: ang Baguio-based chef ng Le Monet Hotel na si Chef Sam Dallingue; ang Baguio-based food blogger ng ‘X Marks the Spot for Good Baguio Foods’ na si Xine Casil; at third reviewer naman ang stand-up comedian na si Pepita Curtis.
“Pop Talk: Baguio Restos” ngayong Sabado, sa February 27, 8:00 pm, sa GMA News TV.