Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Hilot, solusyon daw sa pagbubuntis na suhi? Alamin sa Pinoy MD


 

Pinoy MD

October 1, 2022

Sabado alas 6 ng umaga sa GMA

 

 

 

Ngayong Sabado ng umaga, mga usaping pangkalusugan na naman ang ating sosolusyunan!

 

 

 

Malamig na panahon? Hot kawa is the key but with a twist! Sa hot kawa na ito, hindi ka lang sa mainit na tubig magbababad. Pwede ka rin daw maligo sa halamang gamot at sa gatas? Alamin kung saan!

 

 

 

Ang teacher na ito sa Misamis Occidental, may libreng almusal para sa mga estudente para daw ganahang pumasok sa eskuwela. Gaano nga ba kalaga ang almusal at ano ang nutrisyong kailangan ng mga bata para ganadong mag-aral?

 

 

 

At paano nga ba nagiging suhi ang isang pagbubuntis at ano ang epekto nito sa sanggol? Ang hilot na ating nakasanayan para daw maituwid ang posisyon ng bata, ligtas ba?

 

 

 

Namimilipit ka rin ba sa sakit ng pigsa? Ang solusyon diyan ng iba, cacao? Haban gnag iba naman, sinisilaban ng apoy ang mismong pigsa! Ang tanong… ligtas ba?

 

Samahan ang batikang broadcast journalist na si Connie Sison at ang obstetrician-gynecologist na si Doc Raul Quillamor para ihatid sa inyo ang mga balita at solusyong pangkalusugan ngayong Sabado, Oct 1, alas 6 ng umaga sa Pinoy MD.