Epektibong pampaputi ng tuhod, alamin sa Pinoy MD
Pinoy MD
September 24, 2022
Sabado alas 6 ng umaga sa GMA
Ngayong Sabado ng umaga, mga tips pangkalusugan na naman ang ating pagsasaluhan dito sa tahanan ng mga doktor ng bayan.
Kasingkulimlim ba ng panahon ang iyong mga tuhod? Kung nako-conscious ka ring magdamit nang maigsi dahil sa iyong tuhod, ang solusyon daw ng iba, knee peeling? Gaano nga ba kaepektibo ang procedure na ito, at ang ating mga nakasanayang pampaputi, epektibo nga ba?
Kung problema mo naman ang madalas na pagpapalit ng sanitary pads kapag may menstruation, ang solusyon naman iba, reusable menstrual products! Ang mga nauusong produkto gaya ng menstrual cups, period panties, at period pads, pwede raw labhan at paulit-ulit na gamitin!
Nauuso rin ang mga DIY braces “forda aesthetic” kaya si Liam, naengganyong magpakabit nito sa murang halaga. Pero imbis na killer smile ang ma-achieve, sakit ng panga ang kanyang inabot! Alamin kung ano’ng peligro ang dala ng pagpapakabit ng braces na hindi dumadaan sa pagsusuri ng dentista.
At ang pinakaunang DIY baking sa Asya, nasa Pilipinas na! Dito, hindi ka lang daw magbe-bake ng paborito mong cookies at pastries, pwede mo rin daw kontrolin ang asukal na ilalagay mo sa iyong baked goodies.
Samahan ang batikang broadcast journalist na si Connie Sison at ang resident internist at wellness expert na si Doc Oyie Balburias para ihatid sa inyo ang mga balita at solusyong pangkalusugan ngayong Sabado, Sept. 24, alas 6 ng umaga sa Pinoy MD.