Lunas sa iba't ibang klase ng sakit ng ulo, alamin!
PINOY M.D.
SABADO, FEBRUARY 20, 2021
6 AM SA GMA-7
Sa dami ng problema ngayon, siguradong sasakit ang ating ulo. Kung madaling makahanap ng solusyon o makainom ng tamang gamot, madali rin naming mawawala ang sakit ng ulo. Pero ang madalas na pagsakit ng ulo, hindi dapat ipagwalang-bahala dahil maaaring sintomas pala ito ng mas malalang karamdaman. Alamin ang iba’t ibang klase ng sakit ng ulo at ang mga tamang lunas para rito.
Ang balat ang pinakamalaking organ ng ating katawan. Ito rin ang ating pangunahing depensa laban sa anumang maaaring makasakit sa atin. Pero paano kung ang atin mismong balat ang kapitan ng sakit? Huwag na huwag na idadaan sa pahid-pahid lang dahil maaaring ang sakit sa balat na dumapo sa atin, may mas malalim palang pinagmumulan. Maaaring ang sagot sa sakit sa balat na paulit-ulit namemerwisyo sa atin ay ang tinatawag na Restorative Dermatology.
Sa panahon ng pandemya, masuwerteng makapagtrabaho o makapag-aral pa rin sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya. Pero ang haba at tagal nang pag-kakaupo sa harap ng computer o iba pang gadget, maaari ring magdulot ng sakit. Paano ba maiiwasan ang mga sakit sa buto, kasu-kasuan, at gulugod dahil sa matagal na pagkakaupo?
Tatalakayin ang lahat ng 'yan sa Pinoy MD, kasama si Connie Sison at ang dermatologist na si Dra. Jean Marquez, ngayong Sabado, 6:00 AM sa GMA-7.