Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sobrang pag-inom ng kape, tatalakayin sa 'Pinoy MD'


KAPE-KAPE LANG MUNA

 


Ang kape, madalas na pampagising at pampainit ng tiyan.  Ayon sa maraming pag-aaral, marami rin itong benepisyo sa katawan dahil sa taglay nitong anti-oxidants. Pero ang pag-inom ng kape, dapat may hangganan din. Nakilala ng Pinoy MD ang isang coffee-lover na umaabot daw sa sampung tasa ng kape ang kinokonsuma kada araw. Ligtas pa kaya ito sa kanyang kalusugan? Kung sakaling may iniinda nang kondisyon sa kalusugan, dapat pa bang uminom ng kape? Lilinawin ito ng Pinoy MD resident internist at functional medicine expert na si Doc Oyie Balburias.

HEALTHY SI DAVID

 


Tag-ulan man, tila bumabalik daw ang tag-araw sa tuwing makikita ng kanyang mga fans ang katawan ni Kapuso aktor David Licauco.  Ang fit body niya kasi, laging summer ready!  Disiplina raw sa pag-e-ehersisyo ang isa sa kanyang mga sikreto. Ang lakas ni David, masusubukan sa boot camp workout – isang uri ng exercise routine na hango sa mga ehersisyong ginagawa sa military.

PINOY SALADS KASAMA SI GLENDA GARCIA

 


Makulay, masustansiya at murang-murang mga Pinoy Salad ihahanda ni Kapuso actress Glenda Garcia.

BIKE PLAYGROUND KASAMA SI JOYCE PRING

 


Sasabak sa maaksiyong pasyalan ang Kapuso host at DJ na si Joyce Pring sa isang bike playground. Mukhang mapapalaban siya rito!

Tags: plug, pr