Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga paraan para makaiwas sa leptospirosis, alamin sa 'Pinoy MD'


Maaasim na Sabaw, ViPR workout with Pat Tumulak, Uso ang Lepto at Organic Spas with Arianne
Sabado, July 28, 2018
6:00 am on GMA 7

 

USO ANG LEPTO!
Kahit walang sugat o kahit pa matalsikan lang ng kontaminadong tubig, puwedeng magkaroon ng leptospirosis!  Tutukan mismo mula sa mga eksperto ng Department of Health ang tungkol sa mga dapat gawin para makaiwas sa leptospirosis. Bukod sa leptospirosis, may mga paalala rin ang mga taga-DOH sa nauuso ring dengue.

 

KILIG-ASIM NA SABAW
pagdating sa sabaw na nakakikilig higupin, sinigang ang number one!  Pero bukod dito, may iba pang maasim na ulam na puwede nating ihain.  Sa tulong ni Chef Michelle Adrillana, ipakikita namin sa inyo kung paano gumawa ng sinampalukang chicken balls.  Idagdag pa riyan ang mas pina-healthy na kadyos, baboy at langka o KBL at tiyak na magpapainit sa sikmura.

 

ViPR WORKOUT WITH PAT TUMULAK
Sabayan si Patricia Tumulak sa pagsubok niya ng ViPR [viper] workout.  Sa routine na ito, ginagamit ang isang tubong gawa sa goma.  At kapag daw binuhat ito nang tama, makatutulong ito para sa isang full body workout.

 

DON’T PANIC, IT’S ORGANIC!
Maglibot sa ilang mga spa at kainan in the metro na gumagamit ng mga natural at organic na mga sangkap kasama ang Pinoy MD suki na si Arianne Bautista.