Yeast infection sa kababaihan, tatalakayin sa 'Pinoy MD'
PINOY MD
SABADO, JUNE 30, 2018
6 AM ON GMA 7
WORKOUT WITH MIKEE
Natatandaan daw ni Kapuso Mikee Quintos, nagsimula raw siyang maging conscious sa kanyang timbang noong una siyang nagka-crush! Lumipas man ang kanyang gusto sa hinahangaan noon, mabuti na lang daw at nagtuloy-tuloy ang dedication niya sa pagme-maintain ng healthy weight. Ano ang ginagawang workout ngayon ng Kapuso actress? Iyan ang ipakikita namin sa inyo sa Sabado.
THE TRUTH ABOUT YEAST INFECTIONS
Para sa mga Kapuso nating babae, karaniwang problema ang pagkakaroon ng vaginal yeast infection. Ayon sa mga pag-aaral, 3 sa 4 na babae ay magkakaroon nito o nagkaroon na nito. Pero sa kabila ng pagiging karaniwan ng yeast infection, marami pa ring tanong ang ating mga Kapuso. STD nga ba ito? Ano ba talaga ang mga paraan para mawala ito? Maselan man ang pag-uusapan, tatalakayin ‘yan ng Pinoy MD sa ngalan ng kalusugan.
ANO’NG SA ‘YO, TEH? SAYOTE!
Madaling gawing sahog dahil mura – iyan ang Sayote. Sa Sabado, tuturuan namin kayo ng ilang mga recipe tulad ng stuffed sayote at sayote patties!
PASYAL SA INDONESIA AT THAILAND… IN BATANGAS?
Habang nag-iipon pa para maikot ang Asya, dito muna tayo sa atin maglibot. Sa mga Asian-themed destinations na ipakikita namin sa inyo, tiyak mag-e-enjoy ang barkada o pamilya. Samahan si TV host at DJ Joyce Pring sa pagpasyal.