Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Solusyon sa makapal na kalyo, alamin sa 'Pinoy MD!'


MGA KALYO SA PAA, PAANO TATANGGALIN?
Saturday, June 23, 2018
6:00 am on GMA 7

 

ANG KAPAL NAMAN… NG KALYO!

Ang mga kalyo sa paa, gaano man kayurin, bakit kaya pabalik-balik? Ligtas nga ba ang pagbakbak sa mga ito? Kung kayo’y may mga kalyo sa paa, alamin ang mga tama at maling paraan ng pagpapanipis ng mga ito.

 

CORE FITNESS WITH ANDREA DEL ROSARIO

Dati na raw mahilig sa sports ang mom at actress na si Andrea del Rosario.  Pero aminado siya na pagkatapos niyang magka-anak, nabawasan ang kanyang physical activity.  Ngayon, balik na si Andrea sa pag-e-ehersisyo at kitang-kita ito sa kanyang pangangatawan. May bago rin siyang kinahihiligan, ang polo.

 

MGA PASYALAN NGAYONG TAG-ULAN

Kapag sinabing talon, talon!  Ganyan ang ginawa ng host at aktres na si Arianne Bautista sa isang trampoline park sa Metro Manila.  Nag-enjoy na siya, nagkaroon pa siya ng cardio workout.  Bukod sa one-to-sawa na pagtalon, nag-wall climbing din siya.  Samahan si Arianne sa kanyang adventure sa Sabado.

 


COOKING WITH KALABASA

Ang kalabasa na siksik sa Vitamin A at fiber, versatile ingredient din. Mga lutuing tiyak magugustuhan ng pamilya at ng mga bata, abangan.

 

Tags: pinoymd, kalyo, doctor