Mga sakit na puwedeng makuha sa maruming swimming pool, alamin sa 'Pinoy MD'
PINOY MD
SATURDAY, MAY 5, 2018
6 AM ON GMA 7
COME ONE, COME ALL PARA SA KAMIAS!
Kilig-asim ang taglay ng kamias kaya papakin man o isahog sa mga lutuin, katakam-takam. Pero nasubukan niyo na ba itong gamitin sa pinangat, o di kaya ay gawing kamias con yelo?
PAGLUBLOB SA PAMPUBLIKONG SWIMMING POOL: LIGTAS BA?
Ngayong tag-araw, tiyak na kasama sa plano ng maraming pamilya o barkada ang pagswi-swimming. Pero para sa mga lulublob sa mga pool, may ilan kaming paalala. Maging maingat at mapanuri sa mga pampublikong swimming pool, lalu na yung dinadagsa ng tao. Malaki kasi ang potensiya ng mga paliguang ito na pamugaran ng dumi at bacteria. Pinasuri namin sa isang laboratory ang tubig ng isa sa mga pampublikong swimming pool sa Metro Manila. Ang resulta, malalaman sa Sabado.
JOSHUA ZAMORA: HATAW SA FITNESS
Aakalain niyo bang 47 years old na ang isa sa original members ng dance group na Maneuvers na si Joshua Zamora? Ang sikreto sa kanyang youthful looks at fit na pangangatawan, ibabahagi niya sa isang dance throwback workout.