Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Mga sintomas at posibleng kahinatnan ng hypertension, tatalakayin sa 'Pinoy MD'
HIGH BLOOD KA BA?
Ngayong 2017, 28% o halos 3 sa bawat 10 Pinoy, may high blood pressure o hypertension. Ang nakababahala, ayon sa American Heart Association at American College of Cardiology, delikado na ang blood pressure na 130/80 mmHg dahil itinuturing na itong stage 1 hypertension. Kapag umabot na sa ganito ang presyon ng isang tao, doble na ang tsansa niyang atakihin sa puso at ma-stroke kumpara sa isang taong malusog ang pangangatawan. Ano ang mga dapat pa nating malaman tungkol sa alta presyon at ano ang mga puwedeng gawin kung mayroon na nito?
PASYALANG PAMPAMILYA SA PAMPANGA
Sa isang pasyalan sa Pampanga, puwedeng masubukan ang pasakay sa camel. Sa isang authentic Kapampangan restaurant naman, puwedeng tikman ang ilang insektong siksik daw sa protina. Samahan ang sexy actress na si JC Parker sa kanyang paglilibot sa land of the Kabalen na saktong-sakto raw sa mga pamilyang naghahanap ng malapit at murang pasyalan.
HEALTHY SI MARA
Bata pa lang daw si Mara Lopez, itinuro na ng kanyang beauty queen mom na si Maria Isabel at ng kanyang businessman father na si Hiroshi ang halaga ng pagiging aktibo. Kaya ang actress at host, maraming kinahihiligang sport. First love raw niya ang surfing. Kamakailan, sinubukan na rin niya ang jiu jitsu. Alamin ang iba pang sikreto ni Mara for staying fit and fabulous.
CHICKEN BREAST IS BEST
Mababa sa fat at mataas sa protina kaya nababagay ang pitso ng manok sa mga nagdidiyeta. Para maiwasan ang makunat at tuyong luto ng chicken breast, subukan ang mga ituturong bagong recipe ng Pinoy MD.
More Videos
Most Popular