Mga ulam na may maiinit na sabaw, bida sa 'Pinoy MD'
SABADO, AUGUST 5, 2017
6 AM SA GMA 7
HEALTHY SI IDOL: VINCE “THE PRINCE” HIZON
Nakilala bilang “The Prince” sa Philippine Basketball Association o PBA, isa siya sa pinakamatinik na 3-point shooter noon. Ngayon, 11 taon nang retirado si Vince Hizon sa basketball pero patuloy ang kanyang health regimen. Ano nga ba ang mga sikreto ni Vince Hizon sa pagiging fit at 46?
WOW, SABAW!
Ngayong madalas nating maranasan ang “bed weather,” masarap mag-relax at humigop ng masustansiyang sabaw. Ang mga sangkap na ibibida namin, kalabasa, kamatis at mais. Mura na, masustansiya pa!
GOUT
Ang gout, reklamo ng maraming mga lalaking may edad na. Pero di lang daw ito sakit ng mga edad 40 pataas dahil kahit mga bata pa, puwede rin magkaroon nito. Sa Sabado, ipaliliwanag ng eksperto kung ano ang mga maaaring gawin para makaiwas sa gout at kung ano ang mga paraan para maibsan ang sakit na nararamdaman ng mga mayroon na nito.
GATAS PARA SA KUTIS
Para mas mabawasan ang stress lalo na kapag weekend, ngayong rainy season, puwedeng puntahan ang mga spa na nago-offer ng milk treatments. Kasama si Kapuso at Eat Bulaga Dabarkads na si Luanne Dy, alamin kung ano ang mga benepisyo ng gatas sa ating balat.
Every Saturday, sinisiguro naming may bago kayong matututunan mula sa Pinoy MD. Samahan sina Connie Sison, Doc Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, Doc Oyie Balburias at Dra. Jean Marquez, sa Tahanan ng mga Doktor ng Bayan. Manood ng Pinoy MD sa Saturday, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.