Maiitim na sikreto, sosolusyunan sa 'Pinoy MD'
PINOY MD
SABADO, JUNE 3, 2017
6 AM SA GMA 7
MAIITIM NA SIKRETO
Aanhin ang summer-ready body, kung maitim naman ang siko, kili-kili at iba pang bahagi ng katawan? Sa Sabado, ipaliliwanag ni Pinoy MD host at dermatologist na si Dra. Jean ang iba-ibang dahilan ng pagkakaroon ng dark skin sa mga area na iyan. Ipakikita rin naming ang mas murang paraan para matapos na ang maiitim na sikretong ito.
HEALTHY SI IDOL: ANDREA TORRES
Siya’y hinahangaan dahil sa ganda ng hubog na kanyang katawan. Ang totoong sikreto raw ni Andrea Torres, sa pagkakaroon ng fit body… ang pagmu-muay thai. Magandang cardio exercise ang martial art na ito at mabisa ring self-defense. Para kay Andrea, na tatlong oras ang ginugugol sa page-ehersisyo araw-araw, pinalalakas daw siya ng pagwo-workout kaya naman daw ang epekto nitong pagiging sexy, bonus na lang.
KAMIAS
Kapag kinagat, talaga naman daw na kakaibang kilig ang mararamdaman kapag tumikim ng kamias. Papakin man o gagawing sahog sa mga lutuin, magandang gawing parte ng diyeta ang prutas na ito. Pero bukod sa mga alam na nating recipe, ano pa ba ang puwedeng gawin gamit ang kamias?
FEEL LOVELY WITH LOVELY
Kung nastre-stress sa trabaho, traffic o kahit sa pabago-bagong panahon, may mga alternative medicine treatment na nagmula sa iba-ibang parte ng mundo na maaaring makapagpaginhawa sa iyo. Kasama si Kapuso actress Lovely Abella, ipakikita naming ang Iranian, Filipino o Chinese experience na may iba-ibang spa at treatment center na puwede niyong puntahan.
Manood ng Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m. para mas maging maalam tungkol sa kalusugan. Samahan sina Connie Sison, Dr. Jean Marquez, Dr. Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Dr. Oyie Balburias sa Tahanan ng mga Doktor ng Bayan sa GMA.
ENGLISH VERSION
Pinoy MD dermatologist Dr. Jean Marquez discusses how to whiten elbows and knees. Andrea Torres shares her secret to fitness -- muay thai. Kapuso actress Lovely Abella relaxes at spas with unique themes. Chef Anton demonstrates refreshing kamias recipes.