Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Healthy fruit drinks, ibibida sa 'Pinoy MD!'


PASAKIT NA HIKA

Tinatayang isa sa bawat sampung Pilipino, may hika.  Ang mga may ganitong sakit, karaniwang bata pa lang dinadanas na ang mga atake kaya naman marami rin ang sanay na sa mga sintoma at alam na kung ano ang mga iiwasan.  Pero kamakailan, isang pag-aaral ang nagsabing ang pagkain daw ng cured meat, nakapagpapalala ng asthma? Ano pa ang mga dapat tandaan para di maging grabe pa ang sakit na ito?  Alamin sa Sabado.

 

LIBRENG PAMPA-SEXY

Sa tuwing mauudlot ang plano ng pagpapaka-healthy, dahilan ng marami, walang budget kaya ’di ito kayang gawin. Sa Sabado, dadalhin tayo ng  Pinoy MD sa ilang lugar sa Metro Manila na nag-ooffer ng ilang activities na puwedeng gawin para maging fit and healthy nang hindi gumagastos.  Samahan si Bilbiling Mandaluyong 2017 winner May Ann Martinez, sa pagsubok niya sa mga ito.

VEGGIE AND FRUIT DRINKS

Mas sumasarap daw ang kain, lalo na kung sasabayan ito ng masarap at matamis na inumin.  Ang problema, kapag napasobra, nakasasama naman sa ating sa blood sugar level.  Kaya naman sa Saturday, mga healthy drink ang bibida!  Alamin kung paano gawin ang mga inuming may tamis pa rin pero ’di nakatataba at nakapagpapataas ng asukal sa katawan.

 

HEALTHY TALONG RECIPES

Ang paborito nating sahog sa sandamakmak na Pinoy dishes—Talong!  Bukod kasi sa maraming puwedeng gawin gamit ang gulay na ito, marami ring nutients ang makukuha natin dito.  I-ready na ang inyong lapis at papel para sa ating exciting eggplant recipes ngayong Sabado.

Tags: pr, plug, pinoymd