Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

 'Shingles' o kulebra, tatalakayin sa 'Pinoy MD'


 

 

Aware ka ba sa Shingles?

Kung ikaw ay nasa edas 50 at may mahinang resistensiya, naku, prone ka na sa pagkakaroon ng isang delikadong kondisyon na kung tawagin ay ’shingles’ o kulebra.  Ang nakalulungkot, kaunti lang sa atin ang may kaalaman tungkol dito.  Sa Saturday, alamin ang ilang impormasyon tungkol sa sakit na ito at kung paano makaiiwas dito.

 

Lamyerda sa Pampanga with Whitney

Komedyana at karaniwang sidekick sa pelikula; marami sa atin ang napasaya ni Whitney Tyson noong dekada otsenta.  Pagkalipas ng maraming taon na nawala s’ya sa limelight, kaya pa rin daw niyang magdala ng saya sa atin.  Kaya naman sa Sabado, maglalamyerda tayo sa Pampanga kasama si Whitney.  Ipakikita niya sa atin ang ilang mga puwedeng ma-enjoy sa kanyang probinsya.

 


Iwas-High Blood na mga Prutas

Para mapababa ang altapresyon, dapat tanggalin sa ating diet ang sa maaalat, matataba at mamamantikang pagkain.  Pero paalala ng mga eksperto sa nutrisyon, ’di lang dapat magtanggal, dapat may idagdag din sa diyeta.  May ilang prutas daw na makatutulong sa mga may high blood.  Anu-ano ang fruits na iyan? Abangan sa Sabado.

 


 


Urban Farming

Ayon sa Food ang Nutrition Research Institute, sa dalawampung pinakakinakain nating mga Pilipino, tatlo lang daw dito ang gulay.  Sa Sabado, tuturuan namin kayo kung paano makakapag-urban farming para mas ma-enjoy at dalasan ninyo ang pagkain ng gulay.   Sa pamamagitan kasi ng pagtatanim ng mga gulay mas maaari nating isama ang veggies sa ating diet.


Lagi kayong may matututunan mula sa amin na Tahanan ng mga Doktor ng Bayan.  Manood ng Pinoy MD sa Sabado, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.