Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Recipe ng hot and fruity sinabawang ulam, alamin sa 'Pinoy MD'


JUNE 11, 2016
SABADO
6 HANGGANG 7 NG UMAGA


Pasyal sa Davao, Fruity Sabaw, Iwas-Sakit sa Tag-Ulan Tips, atbp. ngayong Sabado!

Samahan si comedienne Divine Aucina sa pagsubok niya sa mga water activitities sa Samal Island sa Davao.

Siyempre, pagkatapos ng adventure, di niya kinalimutang tikman ang healthy food na ino-offer din sa lugar.

Sabi nga, ngayong may bagong administrasyon, change is coming!  At sa iba-ibang Davao restaurants… talaga raw mararamdaman mo ito.  Pagbabago para mas maging masustansiya ang iyong kinakain!  Saan-saan ang mga vegetarian restaurants na iyan?  Abangan!

Ngayong tag-ulan, panahon din ng paglusong natin sa baha!  Pahirap na, maaari pang magdulot ng iba-ibang sakit at kondisyon sa katawan.  Isa sa mga puwede nating makuha, alipunga!  Paano ba tayo makaiiwas sa athlete’s foot?  At may mga murang paraan ba para magamot ito?  Ang nagbabalik-show business na si Patani ang siyang makakasama natin sa pagtatanong sa mga eksperto tungkol diyan.


Alamin ang mga sikreto para makapagluto ng masarap namnamin at higuping mga sabaw, lalo na ngayong rainy season.  Maganda ang mga iyan para makapagpainit ang tiyan at makapagpalakas ng resistensiya.

Pahabol na paglalakbay at iba pang impormasyon, abangan iyan sa Sabado sa Pinoy MD, alas 6 hanggang alas 7 iyan ng umaga sa GMA.

Tags: pinoymd, pr, prstory, plug