Iba't ibang healthy smoothie recipes, alamin sa 'Pinoy MD'
Ilaw na kapag binuksan, di ka masasaktan tuwing magpapaturok ka ng gamot at capsule na may camera para mas masuri ang lagay ng katawan… ilan lang iyan sa mga teknolohiya ng medisina na mas makapagpapaginhawa sa atin. Paano gumagana at saan puwedeng makagamit ng mga ito? Alamin ngayong Sabado.
Ngayong tagaktak ang pawis natin dahil sa matinding init ng panahon, magandang magpalamig sa pamamagitan ng pag-inom ng smoothies. At di lang nakapapatid ng uhaw, nakapagpapalusog pa ang mga ito ng katawan dahil sa mga sangkap nitong siksik sa nutrisyon, gaya ng Kamias, saging at pinya. Bago pa matakam, alamin na kung paano gagawin sa healthy smoothies na ito.
Dahil sa tindi ng traffic, kapag magbabakasyon ang pamilya… madalas, mas maganda na ’di na gaaanong lumayo para ’di maubos ang oras sa biyahe pa lang. Ang ilan sa mga puwede niyong puntahan ng inyong mga mahal sa buhay, ang Angono at Binangonan! Mag-swimming, subukang mangisda at siyempre tikman ang mga delicacy sa mga lugar na ito.
Ang mga talented at sexy celebrities na sina Danica Sotto Pingris, Rachel Alejandro at Patricia Javier... kahanga-hanga na sa harap ng camera, idol din pagdating sa pagluluto sa kusina. Alamin ang mga recipe nilang mga fit and healthy stars.
Kaisa niyo sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias para mas maging happy at healthy ang inyong summer. Panoorin ang Pinoy MD, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.