Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Katrina Halili at Ina Raymundo, magbibigay ng hair care tips sa 'Pinoy MD'


 


Kapag malusog tayo, mas malakas ang ating katawan at mas maganda ang ating pakiramdam.  At kasama sa magagandang epekto ng isang healthy lifestyle ang makinis na balat at malagong buhok.

Pagdating sa pag-aalaga ng hair, maraming dapat tandaan diyan.  Paliwanag ng mga hair expert, malaki raw kasi ang epekto ng ating diyeta, hormones at genes para masiguro na maging malusog ito. Kaya naman mas lilinawin pa namin ang hair health sa inyo.  

 


Ano ang mga dapat kainin?  Paanong di malalagasan ng buhok kapag may sakit?

 

 


At  di lang mga eksperto ang magbibigay ng tip sa inyo, ang mga sexy at talented actress ding sina Katrina Halili at Ina Raymundo, may mga ibabahagi tungkol sa kanilang hair care routine.

Lahat ‘yan matutunghayan ngayong Sabado sa Pinoy MD kasama sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias.