Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ano'ng gagawin sa dark spots sa balat? Alamin sa 'Pinoy MD'
PANGINGITIM NG BALAT, SENYALES DAW NG SAKIT?
Kung nakararanas kayo ng hyperpigmentation o pangingitim sa ilang bahagi ng inyong balat, puwede raw senyales iyan ng karamdaman.
Maaari raw itong diabetes, kidney disease o iba pang uri ng sakit. Saang mga parte ang puwedeng magpakita ng senyales ng mga ito?
SAY NO TO DARK SPOTS!
Siyempre may iba rin namang dark spots na sadyang hindi magandang tingnan sa ating mga balat.
Ang mga paraan ng pagpapaputi ng mga siko, tuhod at iba pang problem areas, bubusisiin din namin.
BLACK NA NAKAKA-RELAX
At para naman tanggalin ang stress bago sumapit ang Undas, alamin kung ano-ano ang mga spa treatment na gumagamit ng maiitim na materyales na mabisa raw para ma-relax ang katawan.
BLACK IS THE NEW GREEN!
Pagdating naman sa pagkain, may mga nagsasabing black is the new green!
Ang mga food na ito na puno ng pigment, mayaman din daw sa sustansiya.
Ito ang Halloween treats na tiyak na mapapakinabangan ng ating mga Kapuso! Tutukan ang lahat ng 'to sa "Pinoy MD" bukas, Sabado, 6:00 AM sa GMA Network!
More Videos
Most Popular