Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Home remedies para sa sore eyes, alamin sa 'Pinoy MD'


PINK EYES
 

Kapag may naramdamang kaunting pangagati sa mata, huwag agad kakamutin! Ngayong uso ang conjunctivitis o pink eye, o ang mas kilala natin sa tawag na sore eyes, kailangang mag-ingat. May paraan ba para mapigilan ang impeksyong ito?  Puwede kayang maagapan ang paglala nito sa pamamagitan ng ilang home remedy? Ano pa ang ways para mas mapagaan ang pakiramdam sa tuwing may sore eyes?  Alamin ang mga sagot diyan sa Sabado.
 
SUPER BODY  ALA-GEMMA CROSBY
 

 
Kung paseksihan ang pag-uusapan, talaga namang idol ang susunod naming ipakikilala sa inyo. Ang sukat ng kanyang baywang, 15 inches lang naman!  Iyan ang businesswoman, fitness expert at mom na si Gemma Crosby. Aakalain mo bang naging overweight at 160 pounds si Gemma noon? Kumuha ng tips mula kay Gemma.  Kung may disiplina, kayang-kaya niyo rin daw na maging kasing fit niya. 
 
‘TO THE TOP’ DANCE WORKOUT
 
 
Painit nang painit ang labanan ng mga talented artists sa boyband search na To the Top ng GMA. Kaya naman daw ang Mr. Pogi ng grupo na si Edric Ulang at ang Bulakenyong Baby Boy na si Adrian Pascual, regular na nagwo-workout sa pamamagitan ng Hiphop.  Alam kasi nila na pagdating sa page-ehersisyo, mahalaga na nag-eenjoy habang nagpapaganda ng katawan. Maki-hataw na rin sa dance workout na ito ngayong Sabado.
 
HEALTHY CELEBRITY BIZ
 


 
Sina Jennylyn Mercado at Drew Arellano, idolo natin dahil sa kanilang pag-arte at sa abilidad sa harap ng kamera. Bukod diyan, certified health buffs din ang dalawa.    At ang pagkakaroon nila ng healthy lifestyle gusto nilang ibahagi sa iba, kaya raw naisipan nilang magtayo ng mga business na makatutulong sa publiko na makapagpalusog.  Ano ang mga business na iyan?  Bisitahin natin ngayong Saturday morning.
 
Ang mga ito ang ang handog namin nina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa inyo sa Tahanan ng mga Doktor ng Bayan.
 
Panoorin ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.