Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Paggawa ng infused water, alamin sa 'Pinoy MD'
AUGUST 8, 2015
WynWyn’s Winner Workout
Sa pagsirko-sirko sa ere, puwedeng-puwede raw lumakas ang muscles at gumanda ang hubog ng katawan. Si Kapusong Wyn Wyn Marquez sinubukan ang aerial hoops. Importante raw para sa kaniya na di lang mag-workout kundi mag-enjoy din habang nagpapapawis.
That ’s Fart of Life!
Kung hindi pamatay ang amoy, katawa-tawa ang tunog. Nakahihiya mang aminin, lahat naman tayo umuutot…parte ng normal na buhay natin ‘yan. Pero hindi na ito nakaaaliw kung madalas na ang pag-utot o flatulence dahil baka sintomas na ito ng sakit. Ang iba pang impormasyon, alamin ngayong Sabado.
Tubig With A Twist
Laging payo ng mga doktor na uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig araw-araw. Para sa mga gustong gawin iyan pero nais ding may kaunting lasa ang kanilang nilalagok, subukan ang infused water. Ituturo namin sa inyo kung mas pasasarapin at bibigyang sustansiya ang inyong tubig.
Relax sa San Rafael, Bulacan
Sa San Rafael Bulacan, may dalawang resort na masarap dayuhin. Sa mga lugar kasing ito, sariwa ang hangin, maganda ang tanawin, maraming puwedeng gawin ang pamilya at may healthy food pa. Ano ang mga pasyalang iyan? Abangan.
Mga istorya na mas makapagpapalusog sa inyo at sa inyong pamilya, na prinesinta sa paraan na mas maiintindihan ninyo-- iyan ang handog nina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa Tahanan ng mga Doktor ng Bayan.
Panoorin ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.
More Videos
Most Popular