Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Epekto ng pagsusuot ng skinny jeans sa kalusugan, aalamin ng 'Pinoy MD'
JULY 11, 2015
Skinny Jeans: #OOTD vs. Safety
Kamakailan kumalat sa internet ang balitang life-threatening daw ang pagsusuot ng skinny jeans o yung mga pantalong hapit-na-hapit. Masama nga ba sa ating pangangatawan ang fashionable pants na ito?
Anti-Bilbil Tips
Bakit nga ba napakahirap tanggalin ng makasira-pormang bilbil?! Iyan din ang tanong ni Kapusong Tess Bomb. Kaya sinabak siya ng Pinoy MD para sa isang belly busting challenge! Makisabay na kayo kung nais n’yo ring magkaroon ng nice abs.
Oh My Sabaw!
Tag-ulan na, mga Kapuso! Ano pa nga ba ang masarap gawin sa ganitong panohon kundi ang humigop ng mainit at masarap na soup! Ihanda na ang lapis at papel para sa healthy and yummy soup recipes ng Pinoy MD ngayong Sabado.
Selfie-Selfie Gimik with the Family
Hindi dahil tag-ulan na, hindi na rin tuloy ang weekend gimik ng pamilya. Suggestion ng Pinoy MD, isang indoor pasyalan na naka-aaliw na, makapag-uuwi pa kayo ng sandamakmak na memorabilia! Abangan ‘yan ngayong Sabado.
Sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Oyie Balburias, Doc Dave Ampil II at Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor ang nangunguna pagdating sa usapang kalusugan. Mapanonood ang Pinoy MD tuwing Sabado 6AM sa GMA.
More Videos
Most Popular