Kilikili 'problem-solving' sa "Pinoy MD"
Kilikili 'problem-solving'
Para mas maging confident sa pagsusuot ng mga sleeveless na damit ngayong summer, dapat makinis at maputi ang kilikili. Iyon nga lang, merong hirap na hirap pa ring i-solve ang kanilang armpit problems. Kung nangingitim o may chicken skin ang parte ninyong iyan, abangan ang ilang epektibong tips ng mga eksperto ngayong Sabado.
Medical gadgets na 'no sweat'
Ano kaya itong bagong naimbento na para raw sa mga pasyenteng ayaw ng paulit-ulit na pagtuturok sa balat gamit ang injection dahil hindi makita nang maayos ang kanilang ugat? Alam n’yo ba na maaari n’yo nang i-monitor ang inyong blood pressure gamit ang inyong cellphone o tablet? At para sa mga nagbabantay ng timbang, meron na raw wireless weighing scale na puwdeng i-connect sa wifi? Abangan ang mga ito ngayong Sabado.
Tips para magka-baby
Nahihirapan ka bang magka-baby? Ngayong Sabado, ilang payo mula sa mga eksperto ang ibabahagi ng "Pinoy MD" para makatulong sa iyong infertility problem.
Farming in the city
Hindi pa tapos ang summer, mga Kapuso! Para sa next family outing, hatid ng "Pinoy MD" ang ilang farm resort dito sa siyudad ng Tagaytay na puwedeng mag-swimming at matuto tungkol sa pagtatanim.
Kung ano man ang bago at tama pagdating sa health information, ihahatid ‘yan sa atin ng mga mapagkakatiwalaang Doktor ng Bayan na sina Dra. Jean Marquez, Doc Oyie Balburias, Doc Dave Ampil II at Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, siyempre sa pangunguna pa rin ni Ms. Connie Sison. Mapanonood ang "Pinoy MD," 6 AM sa GMA.